Saturday, June 25, 2011

DIBORSYO: PASADO o PERWISYO SA PAMILYANG PILIPINO?

            KASAL. Sagradong sakramento. Ang mga Pilipinong pinagsasama ng sakramentong kasal ay di daw mapaghihiwalay dahil may basbas daw ito ng Poong Maykapal. Paano kung dumating si PROBLEMA? Paano kung biglang nawala si LOVE at si TIWALA? Paano kung nasira si RESPETO? Sagrado pa rin bang maituturing ang pamilyang winasak na ng sakuna? Inalisan na ng tiwala? Inalisan na ng pagmamahal? At inalisan na ng respeto sa isa't isa?

            Ang PAGPAPAKASAL ay hindi kaning mainit na isusubo at iluluwa pag napaso. Dapat pinag-paplanuhan. Dapat pinag-uusapang mabuti. Aminado tayo na hindi mawawala ang pagsubok sa buhay. Andyan si SAKAL, KABET, BISYO, at HAGUPIT NG KAMAO. Pero hindi lahat ng oras ay kaya natin ang sakit na dulot na ito. Bibigay at bibigay din tayo. Manlalamig din tayo sa karelasyon natin. Mapapagod umintindi at magpapatawad. At sa huli MAGHIHIWALAY. Paano na ang pamilya pag di magkasundo ang ILAW at HALIGI   ng tahanan? MAHIRAP! Kaya dapat may DIBORSYO tayo dito sa Pilipinas. Hindi para mag-asawa ng marami. Hindi para palit dito, palit doon. Kundi para sa ligtas na kapakanan ng bawat isa. Para sa tunay na kalayaan. Oo nga't sagrado at mahirap ito pero dapat ilagay sa lugar. Paan kung yung mga pinakasalan dahil lang nakabuntis? Paano yung pinagsamang wala namang tunay na nararamdaman para sa isa't isa?  Oo nga't pwedeng pag-aralan ang pagmamahal pero hindi sa lahat ng oras. Dahil ang pagmamahal kusang nararamdaman. Hindi hinahanap kundi hinihintay. Pagsasamahin ng pagmamahal ang dalawang tao, anu man ang estado ng pamumuhay, pagkatao, at pag-uugali nito. Walang LAWS at RULES. REAL FEELINGS LANG.

          Dapat lang ang diborsyo sa Pilipinas. Malaya kang hiwalayan ang walang kwenta, adik at nananakit  mong asawa. Malaya kang hiwalayan ang asawa mong pumapatong sa iba't ibang kanlungan. Malaya kang ipagmalaki na BABAE ka na dapat irespeto, igalang, at mahalin. Hindi ka dapat sinasaktan, binubugbog, o pinapalitan. Dahil isa kang biyaya. Kung may diborsyo, walang balita tungkol sa mag-asawang nag-sasaksakan. Walang balitang may #2, #3, o #4 si mister/misis. Walang balitang binubugbog si misis. Mabubuhay ang lahat ng walang pangamba. Walang takot. at higit sa lahat, malaya kang pipili at magmamahal ng taong kaya kang irespeto, igalang, at mahalin ng libusan. Ihaharap ka sa altar at buong pusong sasambitin ang salitang I DO. Tanggap ang nakaraan mo at pilit kinukulayan ang hinaharap mo.

          Ngayon IKAW ang tatanungin ko, PABOR KA BA SA DIBORSYO? Kung hindi, kaya ba ng konsensya mo na makita ang kumare mo na binubugbog ng mister nya? Kaya mo ba ng konsensya mo na makita ang kumpare mong may asawang 2 o higit pa? Kung oo, ano pang hinihintay mo? Hindi makakatulong ang pag-upo mo. Ipagsigawan mong PABOR KA NA MAGKAROON NG DIBORSYO SA PILIPINAS. ITO ANG TUNAY NA PAGBABAGO.

No comments:

Post a Comment