Tuesday, March 30, 2010

Mainam nga ba ang Love at first sight?

Maraming relasyon ang nag-sisimula sa atraksyon. Sabi nga nila; "Love At First Sight". Pag-ibig sa unang pagkikita. Yung biglang pagtibok ng puso sa isang tao kahit hindi pa ito lubos na nakikilala. Una, ang pagkagusto sa pisikal bago ang lubusang pagkahulog ng damdamin dahil sa tunay na pag-ibig.
Sabi'y walang masam kung magkagustuhan man ang dalawang nilalang kahit sa una palang nilang pagkikita. Doon din naman patungo ang ang lahat kung magkakaigihan.
Gayunman, maraming relasyon na nagsisimula sa Love at First Sight ang hindi naging maayos ang takbo ng relasyon hanggang sa bandang huli. O masasabing sa umpisa lang naging maayos ang lahat.
Sa biglang tingin, talagang masasabing perpekto na ang nagugustuhan kasi puro natural na yung maganda at mainam lang muna ang nakita. Puro kapuri-puri at talaga namang mahuhulog ang loob lalo na kung taglay nito ang mga hinahanap sa isang ideyal na kapareha.
Pero sa katagalan nga ng magkaigihan, magkasama at paulit-ulit na ang pagkikita, nakikita na kung ano ang "DEEP WITHIN". Yung kapangitan. Hindi man bulok, sadyang mawawalan ka ng gana at mawawala pati na ang atraksyong nadama nung una.
Makikita ang tunay na pag-katao ng kapareha. Maaaring higit na ang maganda o sa kamalasan, ang kapangitan nito.
Hindi masamang gustuhin natin ay magaganda't gwapo. Gustuhin ng mga macho't sexy. Beauty na with brains pa. May sense of humor at iba pang magagandang katangian na inaasam sanang maging kapareha.
Sa paninimbang sa nakikita ng mata at nadarama, mas madalas na nag-kakamali tayo kapag higit na pinanaig natin ay ang nakikita ng ating mga mata.
Kasi mas gusto natin ay kaparehang maipagmamalaki sa marami at nababalewala ang tunay na pagtibok ng puso.
Lagi nang sinasabi; "nawawala at lumilipas ang ganda hindi ang tunay na kabutihan ng loob at pagkatao." Ganito rin sa pag-ibig, kung magiging batayan sa pag-pili ng kapareha ay ang panlabas nito, maaaring isang araw ay mawala na ang damdamin o pag-ibig sa kapareha dahil sa pagkatuklas sa pangit na katangian nito sa loob.
Hindi naman natin masasabing hindi mahalaga ang panlabas na kagandahan. Ngunit mas higit na mahalaga ang kalooban upang lalong mahalin ang kapareha.


_-joshua mendoza-_

pag-ibig ay SUGAL!

"LOVE IS A GAMBLE", totoo ito sa literal na pakahulugan. Hindi nga ba't nakikipag-sugal tayo sa pag-ibig upang makuha natin ang ating gustong makasama at maging maligaya tayo sa buhay. At gaya nga ng sugal; may panalo at may talo.
Nagagawa nating itaya ang lahat nang ganang sa atin nang sa gayon ay maging sigurado ang ating pagka-panalo.
Sa lagawan palang na babae at lalaki; dumadaan na ng sugal ang lalaki.
Ipinapakita't ipinahihiwatig na nya ang kanyang nararamdaman. Maraming pangako ang sinasabi upang lalong makumbinsi ang ang babaeng nililigawan.
Kumbaga, inilalatag na nya ang lahat ng kanyang magagandang baraha para siguradong magugustuhan na sya ng babae.
Habang ang babae pinipintahan pa lang nya ang kanyang manliligaw. Hindi lahat ay agad na tinatanggap. Sinisigurado ang kulay ng barahang kinakaharap.
Sa ligawan palang ito. Paano kaya pag nagka-sagutan na?
Dito sa stage na ito, nakikita ang napakatinding sugal. Kasi wala pa ring katiyakan ang pagka-panalo. Tuloy pa rin ang laban.
Habang mag-syota palang, nariyang nag-kikilanlanan at nag-papakiramdaman ang magka-pareha.
Lumalabas na rin kasi ang mga hindi nakita noong nasa stage palang ng ligawan ng dalawang tao.
Sa puntong ito, magagawa nang sipatin kung ang nakuhang kapareha ay kapana-panalo ba o pang-consolation prize lang.
Patuloy pa rin ang pagsu-sugal ng pag-ibig sa boyfriend-girlfriend relationship.
Maaari kasing hindi pa rin ang nakuhang kapareha ang katiyap ng puso.
Kapag nangyari ang incompatibility at hindi nag-tagal ang relasyon, matitiyak na hindi ka panalo sa relasyong pinasukan.
Pero kung nagawa nyong lagpasan ang maraming pagsubok. Nananatili ang pagmamahalan nyo sa isa't isa, makatitiyak na panalo ka sa larangan ng pag-ibig.
Hindi dapat matakot makipag-sugal sa larangan ng pag-ibig ang sinuman. Dahil hindi malalaman ang pagka-panalo o pagka-talo hangga't hindi pumapasok ang sinuman sa isang relasyon.
Matuto kang lumaban at ipaglaban ang pag-ibig higit ang nararamdaman nang sa gayon ay mapag-tagumpayan , mapanatili at mapatatag ang relasyong pinasukan.
Kung hindi naman nanalo sa unang sugal na pinasukan, maaari pa ring lumaban. Patuloy ang laro sa pag-ibig. Hangga't nakakaramdam ng espesyal na damdamin ang isang tao.
Sabi nga; "try and try again until you succeed!" Kung hindi naging matagumpay o hindi ka nanalo sa una, bakit agad susuko. Marami pang pagkakataon.
Maaaring sa susunod ay sadyang akma na sayo ang pinasukang relasyon at tiyak na ang iyong panalo.


_-joshua mendoza-_

maskara!!

My childhood days are my greatest and happiest stage in my life. In this stage, all the things I want, I can easily get. I have my freedom to play, to roam in our community and to join environmental activities. My parents always gives my needs and wants, maybe because I'm only child.
The time comes that the dark clouds cover my life. It makes my whole world darker and dimmer. It is the reason why I need to cover up myself with mask.
When my mother gave birth to my two younger brother and sister, that's the time that the dark clouds cover up my personality. I try my very best so that my parents show my efforts but they always "binabalewala" it. They always give importance to my brother and sister. They always hate me. All the things I do is always wrong/bad in their eyes. I thought I didn't do the right thing. Every time I enter at my school, my classmates told me that I'm always blooming. always happy but they don't know what's the true stories behind those simple smiles and joyous laughter. Until I finished my studies in elementary. I finished elementary that my classmates don't know my true personality.
Entering high school is the hardest thing I did because they didn't sent me in school I want. They sent me in school far from my friends, in school where I didn't know anybody. I try to adjust so that I find new friends. Like elementary, I always cover up myself with simple smiles and joyous laughter, because I don't want to be down by others. I don't bring my problems in school so that I can focus on my studies. High school life, I try to do my best to get medals and honors but I can't. My classmates always told me that I'm ningas cogon; "sa una lang magaling". They always told me that my intelligence and enthusiasms are always at first and it fades away. It hurts me so much but I try to cover it. In short, all my problems, heartache, violent feeling & reactions are all covered with smiles and laughter. At this time, I try to be a BAD BOY. I always live my life the way I want to be. I didn't follow rules even curfews and limitations. Besides that, when I do good, nobody remembers but when I do bad, nobody forgets. I try to escape those problems but GOD always bring it back to me. There are times that I lost my faith in HIM because of those problems I faced. Those problems that try to pull me down. Problems that I try to cover with smiles. I didn't enjoy high school life because of that problems. I try to fit myself in our section but I can't because I thought I don't belong. I thought they always back fight me. Tiniis ko lahat ng 'yon, sabi ko nalang sa sarili ko na: "kaya ko ito at ipapakita ko sa kanila na magagawa ko". I didn't enjoy high school so that it's not hard for me to leave. I thought high school life is the memorable stage but it's not. Maybe because I can't feel the essence of happiness in high school.
Last stage of education; COLLEGE LIFE. Akala ko hindi na ako makakatapak ng kolehiyo. I pass the PUPCET Examination so that my dreams are easily become brighter. Like elementary and high school, I bring my mask that covers me. The mask of killer smiles and joyous laughter. But this time, I try to break that mask. I want to enjoy college life that my classmates didn't back fight me. I want to be true to myself. Gusto ko ng iwan ang nakaraan. Yun bang pag masaya ako, masaya ako. Pag malungkot ako, malungkot ako. Ayoko ng itago yung emosyon ko. Gusto ko ipakita kung sino ako pero natatakot ako. Natatakot ako mapahiyta, natatakot akong mapagtawanan. Takot na ako. I always ask GOD to give me strength and fade my weaknesses.
I am weak.Don't know how to fight. Takot akong lumaban dahil takot akong masaktan. Hope in my future those mask that covers me will fade away and I stand on my own. Stand with confidence. And be true to myself because I know only truth will set me free. Hope in my future, I have my strength to face the truth without any doubt. Face the truth with faith in GOD. Because I know GOD don't want me to pull down. He wants me to learn more about life and He wants me to grow in a right thing. To grow under His laws. GOD loves me so He try me to be unique and He challenge me to be successful human being.


_-joshua mendoza-_